"Shet, 27 na ko wala pa din akong boyfrieeeeend!"
Aminin! minsan sa buhay mo, sinabi - o inisip mo rin yan.
Eh baket nga ba tayo single? Oo. kasama ako.
Choosy ka ba?
Yung masyadong maraming gusto, maraming qualifications. Yung masyadong mataas ang standards na parang hinde na totoong tao hinahanap mo.
Baka naman may hinihintay ka?
Kaibigang matagal mo ng pinagnanasaan na hinde ka naman napapansin? Best friend mong hinde naman nawawalan ng girlfriend? O baka naman hinihintay mong tuluyan ka na lang lamunin ng lupa at maging single habang buhay?
Hinde maka move on?
Sa ex mong meron ng iba? O sa kras mong pinagnasaan mo pero hinde ka naman kilala?
Baka naman "it's complicated" ang drama mo?
Yung kaibigan mong nakiki arteng kayo, pero hinde kayo. Dating pero not exclusively dating. O yung tuluyan ka ng nilamon ng ilusyon mong "in a relationship" ka?
Strict ang parents mo?
Parang habag. kung 27 ka na, pede ka na ngang mag asawa eh. Pero from experience, meron pa din akong kilalang ganito. ang lupet diba?!
Oh well..
Sabi nga nila, mingle mingle! Sige pakisabi sakin kung saan banda. :D
Point is, hinde natin kelangang ma pressure. Dadating din yan. Hintay hintay ka lang. Baka naligaw lang o na traffic.
Life is too short to be wasted on the wrong person or to settle for less than what we deserve.
Cheers sa ating mga single! ;)
Ahaha sana yung sa akin manawagan na lang sa isang TV o Radio station, ako na lang pupunta... effort-an ko na lang. ahahaha
ReplyDeleteaay gusto ko yan! sasamahan pa kita. hahaha
Delete