Monday, September 24, 2012

Self supporting


Self supporting. Yan ang ultimate claim ko sa buhay. Ayoko ng pressure sa work. sa kaibigan. sa sarili ko. at sa lovelife.

Masaya naman akong single ako eh. Relaks lang. Kalmado. Freedom at its finest. Hanggang nung dumating ka.

Matalino kaya ako. Hinde ako nadadaan sa bola. Kahit lagi kitang binabara, andyan ka pa din. Kahit medyo magkaiba tayo ng humor, nakakatawa ka pa din. Naisip ko, masarap maging masaya.

Pero kahit pala action star, bumibigay din. 

Masaya sa una. At dahil malayo ka - todo effort. Pero dumadami ang demands. Oras. Utak. Puso. Effort. Pasensya! Alam ko naman yan eh. Pero baket parang laging kulang?

Siguro nga, hinde ako yung kailangan mo. At baka hinde din ikaw yung maiintindihan ko. Nung una pa lang, sinabi ko naman diba? 

Sinubukan ko naman diba? Pero ayaw mong maniwala.

Eh yung sumuko ka? Akala ko maiintindihan mo ko. Hinde pala.

Baka ganun talaga. Baka hinde lang talaga

Sorry.

Pagkatapos nito - ayoko ng pag usapan. ayoko ng isipin. 

Gusto kong maging totoong action star. Yung parang walang nararamdaman.

Gusto kong umarteng parang walang nangyare. Self supporting ako diba? 

Taena. Ganito pala yung feelingAyoko. :(

3 comments:

  1. ano oras mo ginawa ito? umaga o gabi? siguro gabi, kasi emotera ang peg ahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. gabi! wish kong sana nag eemote nga lang ako. :( napasulat ako ng wala sa oras. :(

      Delete
  2. ang lungkot naman...totoo, ansarap mag wish na sana action star ka na lang para kaya ang lahat..too bad it cant be that way...hope you're feeling better..

    http://ricochetsandblahblahs.blogspot.com/

    ReplyDelete