Friday, February 8, 2013

Breakeven



It's not gonna work. Sorry.


Ikaw ang humingi nyan. Yan ang gusto mo. 

Aminin ko, masakit. nakakainis. Pero para pigilian pa kita, hinde na siguro. 


Gusto kong isipin na may pride pa rin naman ako. Hinde ko naman ikamamatay yan. Kung hinde ka masaya, baket kelangang ipilit pa. diba? Relaks lang.


Actionstar ako eh. Normal na tao. Normal na buhay. Siguro nga mas masaya ako na simple lang. Ayokong sanayin un sarili ko sa mga bagay (o tao) na kaya ko namang wala.


I am my own boss.


Bagong taon, bagong buhay. Merong mga bagay na kelangan i-let go. Lahat ng excess baggage, iwan. At siguro, kasama ka na dun.


Clean slate.

Pero sabi nga nila, ang basurang itinapon mo babalik sayo. Parang ikaw lang. Ang sakit sa ulo. Buti pa ang basura pwedeng irecycle. Pero yung mga bagay na nasabi at nangyare na, hinde mo na pedeng bawiin. Walang recycle. Walang Ctrl + Z.


Second chance?


Hinde ako masyadong fan ng second chances. Baket kailangan mo pang magbigay ng second chance kung meron naman taong mas deserving sa isa lang? 

Nakalimutan mo na bang ikaw ang may gusto nyan? 


I don't get mad. I get even.

Siguro nga salbahe ako. Oo. Medyo. Hindi naman ako bitter. Gusto ko lang malaman mo yung naramdaman ko nung ginawa mo sakin yung ginagawa ko sayo ngayon. Nakakainis diba? 


Sabi naman nila, lahat ng tao pwedeng magbago. Kasama ka ba dun? Siguro. Ewan ko. 


You take it back?

You know things don't work that way. But we'll see. Until then, magdusa ka. >:)