Monday, September 24, 2012

Self supporting


Self supporting. Yan ang ultimate claim ko sa buhay. Ayoko ng pressure sa work. sa kaibigan. sa sarili ko. at sa lovelife.

Masaya naman akong single ako eh. Relaks lang. Kalmado. Freedom at its finest. Hanggang nung dumating ka.

Matalino kaya ako. Hinde ako nadadaan sa bola. Kahit lagi kitang binabara, andyan ka pa din. Kahit medyo magkaiba tayo ng humor, nakakatawa ka pa din. Naisip ko, masarap maging masaya.

Pero kahit pala action star, bumibigay din. 

Masaya sa una. At dahil malayo ka - todo effort. Pero dumadami ang demands. Oras. Utak. Puso. Effort. Pasensya! Alam ko naman yan eh. Pero baket parang laging kulang?

Siguro nga, hinde ako yung kailangan mo. At baka hinde din ikaw yung maiintindihan ko. Nung una pa lang, sinabi ko naman diba? 

Sinubukan ko naman diba? Pero ayaw mong maniwala.

Eh yung sumuko ka? Akala ko maiintindihan mo ko. Hinde pala.

Baka ganun talaga. Baka hinde lang talaga

Sorry.

Pagkatapos nito - ayoko ng pag usapan. ayoko ng isipin. 

Gusto kong maging totoong action star. Yung parang walang nararamdaman.

Gusto kong umarteng parang walang nangyare. Self supporting ako diba? 

Taena. Ganito pala yung feelingAyoko. :(

Saturday, September 22, 2012

Usapang Single


"Shet, 27 na ko wala pa din akong boyfrieeeeend!"

Aminin!  minsan sa buhay mo, sinabi - o inisip mo rin yan.


Eh baket nga ba tayo single? Oo. kasama ako.


Choosy ka ba?

Yung masyadong maraming gusto, maraming qualifications. Yung masyadong mataas ang standards na parang hinde na totoong tao hinahanap mo.


Baka naman may hinihintay ka?

Kaibigang matagal mo ng pinagnanasaan na hinde ka naman napapansin? Best friend mong hinde naman nawawalan ng girlfriend? O baka naman hinihintay mong tuluyan ka na lang lamunin ng lupa at maging single habang buhay?


Hinde maka move on?

Sa ex mong meron ng iba? O sa kras mong pinagnasaan mo pero hinde ka naman kilala?


Baka naman "it's complicated" ang drama mo?

Yung kaibigan mong nakiki arteng kayo, pero hinde kayo. Dating pero not exclusively dating. O yung tuluyan ka ng nilamon ng ilusyon mong "in a relationship" ka?


Strict ang parents mo?

Parang habag. kung 27 ka na, pede ka na ngang mag  asawa eh. Pero from experience, meron pa din akong kilalang ganito. ang lupet diba?!


Oh well..

Sabi nga nila, mingle mingle! Sige pakisabi sakin kung saan banda. :D


Point is, hinde natin kelangang ma pressure. Dadating din yan. Hintay hintay ka lang. Baka naligaw lang o na traffic.


Life is too short to be wasted on the wrong person or to settle for less than what we deserve.


Cheers sa ating mga single! ;)