Friday, December 7, 2012

All I Want for Christmas!!!!




17 days before Christmas?! Woah! 

At yun na lang talaga ang nasabi ko. 

Dati nagsasabit pa ko ng medyas, matutulog na maaga para siguradong dadating si Santa Claus. Sabi ng nanay ko, pag hinintay ko daw si Santa - lalong hinde sya dadating!

Those were days..

At dahil wala ng Santa na magbibigay sakin ng regalo, eto na lang ang katapat nyan --


WISHLIST!


Hinde naman ata ako masyadong mapaghangad. Medyo mababaw lang naman kaligayahan ko.

Pero ano nga bang gusto ko..??


1. Tennis Shoes



Eto ang sports na project ko for 2013. Seryosong gusto kong matuto mag tennis. At paano ko daw gagawin yun? Simple -- kelangan ko ng tennis shoes para mapilitan akong maglaro. bright diba? 


2. The Script #3 



1st album : The Script  [√]
2nd album : Science and Faith [√]
1st concert : Science and Faith Tour [√]
2nd concert : The Script # 3 ticket [√]

Fan girl. Need i say more? :D


3. Keri Smith books 




wreck this box - mess - this is not a book - wreck this journal

These are not your ordinary books or journals. seriously.

Eto un literal na bibilhin mu sya para sirain, babuyin o kaya sumunod sa instructions na parang ewan lang. 

Ang tawag dito, ultimate stress reliever! :p


4. Trip to Singapore



Wishlist lang naman eh. Pero kung merong mabaet ng magbibigay sakin, why not? hahaha

Ang totoo, gusto ko din toh gawing project for next year! 

Travel Goal : at least isang bagong place every year. :)


5. Inflatable kiddie pool



Walang basagan ng trip. Ang init eh! 


6. Make up set

Hinde lang msyadong obvious, pero mahilig ako sa eye shadows at nail polish.

Kahit action actar, nag mmake up din. ;)


Well..kung makukuha ko lahat ng nasa wishlist ko - THANK YOU! :)

If not, okay lang din. i know ill survive. edi nasa wish list ko ule sya next year! hahaha


But on a more serious note, gusto ko lang ng quality time with family and friends - at time para sa sarili ko. Yung hinde ko kelangan mag isip ng kahit anong tungkol sa work. 

Literal na TIME OFF.


Oooppss. Muntik ko ng makalimutan. Meron palang rules tong post na toh.

Okay here goes --

1. Kindly use the same title and as well as the first photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.


2. List 6 things that you want to receive for Christmas.

3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).

4. Send me the link so I could check it out too.


Wala akong gustong i-tag (dahil hinde ko din alam kung paano!). hahaha Pero thank you kay Rix sa pag tag sakin at nagkaron ako ng comeback blog post. 

At eto na yun. Tadaaaah! 










Monday, September 24, 2012

Self supporting


Self supporting. Yan ang ultimate claim ko sa buhay. Ayoko ng pressure sa work. sa kaibigan. sa sarili ko. at sa lovelife.

Masaya naman akong single ako eh. Relaks lang. Kalmado. Freedom at its finest. Hanggang nung dumating ka.

Matalino kaya ako. Hinde ako nadadaan sa bola. Kahit lagi kitang binabara, andyan ka pa din. Kahit medyo magkaiba tayo ng humor, nakakatawa ka pa din. Naisip ko, masarap maging masaya.

Pero kahit pala action star, bumibigay din. 

Masaya sa una. At dahil malayo ka - todo effort. Pero dumadami ang demands. Oras. Utak. Puso. Effort. Pasensya! Alam ko naman yan eh. Pero baket parang laging kulang?

Siguro nga, hinde ako yung kailangan mo. At baka hinde din ikaw yung maiintindihan ko. Nung una pa lang, sinabi ko naman diba? 

Sinubukan ko naman diba? Pero ayaw mong maniwala.

Eh yung sumuko ka? Akala ko maiintindihan mo ko. Hinde pala.

Baka ganun talaga. Baka hinde lang talaga

Sorry.

Pagkatapos nito - ayoko ng pag usapan. ayoko ng isipin. 

Gusto kong maging totoong action star. Yung parang walang nararamdaman.

Gusto kong umarteng parang walang nangyare. Self supporting ako diba? 

Taena. Ganito pala yung feelingAyoko. :(

Saturday, September 22, 2012

Usapang Single


"Shet, 27 na ko wala pa din akong boyfrieeeeend!"

Aminin!  minsan sa buhay mo, sinabi - o inisip mo rin yan.


Eh baket nga ba tayo single? Oo. kasama ako.


Choosy ka ba?

Yung masyadong maraming gusto, maraming qualifications. Yung masyadong mataas ang standards na parang hinde na totoong tao hinahanap mo.


Baka naman may hinihintay ka?

Kaibigang matagal mo ng pinagnanasaan na hinde ka naman napapansin? Best friend mong hinde naman nawawalan ng girlfriend? O baka naman hinihintay mong tuluyan ka na lang lamunin ng lupa at maging single habang buhay?


Hinde maka move on?

Sa ex mong meron ng iba? O sa kras mong pinagnasaan mo pero hinde ka naman kilala?


Baka naman "it's complicated" ang drama mo?

Yung kaibigan mong nakiki arteng kayo, pero hinde kayo. Dating pero not exclusively dating. O yung tuluyan ka ng nilamon ng ilusyon mong "in a relationship" ka?


Strict ang parents mo?

Parang habag. kung 27 ka na, pede ka na ngang mag  asawa eh. Pero from experience, meron pa din akong kilalang ganito. ang lupet diba?!


Oh well..

Sabi nga nila, mingle mingle! Sige pakisabi sakin kung saan banda. :D


Point is, hinde natin kelangang ma pressure. Dadating din yan. Hintay hintay ka lang. Baka naligaw lang o na traffic.


Life is too short to be wasted on the wrong person or to settle for less than what we deserve.


Cheers sa ating mga single! ;)